Tuesday, November 14, 2006
12:53 PM
pressure!
nagsisisi nako. i don't want to be a photographer anymore. mula nung nagtrabaho ako sa studio napapadalas na mga tampo mo at galit saken. ang baba na nga ng sweldo dun tapos nagaaral pa ko, den magaalaga pa ko ng mga bata kasi ramdam ko sa mga sinasabi mo na napapabayaan ko sila. wala na nga ako oras para sa sarili ko. tapos madalas pa OT. pagdating ko sa bahay iisipin ko ang baon mo at makikipaglaro sa mga bata kasi miss ko sila. patay katawan ko lagi kaya hayok sa tulog.
pero kulang pa rin ako. magulo ang kwarto mo, di maayos mga damit mo, makalat pa rin gamit kahit pinapalinis mo saken, andami ko kailangan tahiin na di ko na nagagawa, mga documents na kailangan mo na di ko napapadala, andaming bills na di nababayaran on time.
minsan di ko kaya ang pressure. tulad nagyon.
thoughts of love
***